
OFW ON AIR Episode 015 : UNDERSTANDING LIFECYCLE / CHAT WITH EDGAR ARAGONES OFW IN ISRAEL
- 1:06:56
- January 18th 2016
Woooo…don’t you love our intro music! Ang galing ng beat at very very positive, di ba? Salamat sa bensound.com for providing us that beautiful opening theme song. And of course, I am your Kuya Tsong, your super excited na host to welcome you sa ating weekly program na OFW on AIR podcast. At tayo po ay nasa episode 15 na! Gosh, ang tulin ng panahon. Just 2 weeks ago, we were celebrating the new year, and then Epiphany or Three Kings’, and next month, Valentine’s day naman. Then graduation time, few months later, school time naman and another few more months Undas, Pasko at balik na naman po tayo sa Bagong Taon.
In case you don’t notice, may pattern po ang bawat yugto ng ating buhay and for some years, ito ay paulit ulit lang. Syempre pag-grumaduate na ang mga bata, lalo na kung makatapos na ng college ay iyan na siguro ang pinakahihintay ng marami sa ating mga ka-tsong na OFW. Pag ito ang nangyari, ibang cycle na naman po. Well, hindi po graduation ang nais kong puntuhan sa aking komentaryo ngayon. Gusto ko lang idiin at namnamin natin na mayroon pong tinatawag na “life cycle”. At kung kayo ay isang OFW aspirant o maging beteranong OFW na, malaki ang inyong magagawang paghahanda kung inyong aalamin at iintidihin ang life cycle ng inyong iiwanang pamilya.
Example…kung alam ninyo na sa tuwing Hunyo ay pasukan, eh ilang buwan bago mag June ay paghandaan o pag-ipunan na ninyo ang pagkakagastusan na ito. Kung alam ninyo na sa tuwing Enero ay may posibilidad na tumaas ang renta ng bahay na inuupahan ninyo ay kumpyutin na ninyo ang epekto ng pagtaas sa ipon ninyo. Ang punto ko lang po, lalong lalo na para sa mga nagbabalak na mag-abroad…dapat, pag kayo ay mag-iisip kung aalis o hindi, kailangang kumpyutin ninyo ang expenses sa loob ng isang taon kung ito ba ay kayang i-cover or saluhin ng inyong sweldo. Dahil kung hindi, wag na po tayong mag lukohan. Mag mabuti pa ay humanap ka ng ibang paraan, trabaho o diskarte. Kung gusto pa rin ituloy ang pag-aabroad, kailangan ay magtrabaho ang asawa o kamag-anak para pagtulungan ang gastusin.
Bueno, sa episode na ito, ang ating makakapanayam ay isang OFW na may ginintuang puso na nasa Israel. Sya po ay caregiver by profession and a volunteer par-excellence by choice dahil siya ay tumutulong sa ating mga OFWs sa Israel. Let me say it with all sincerity, si Edgar Aragones ay isang kababayan na ating maipag-mamalaki dahil hindi lang po sa mga kapwa OFWs sya tumutulong kundi pati na rin sa mga biktima ng kalamidad sa Pilipinas thru his organization called OFW in Israel Foundation. I am so at ease with Edgar, parang pakiramdam ko ay nahanap ko ang aking matagal na nawawalang kaibigan! Napaka humble po ng taong ito and there is so much to learn from our conversation. Dito sa interview ay makikita ninyo ang halaga ng suporta ng mga kamag-anak sa Pilipinas upang maging successful ang isang OFW. Ang pagiging OFW ay di lamang para sa taong umaalis sa abroad bagkus, pati ang kanyang pamilya ay kailangang mag-adjust at mamuhay bilang isang pamilyang may OFW. Di lang po ang OFW ang nangungulila, ang mga naiwan niya ay nangungulila din. Akala nyo ba na hindi nalulungkot ang mga naiwan sa Pinas? Sila rin ay may mga problema na kinakaharap kaya kung kayo ay OFW, wag ninyong sabihin na bayani kayo. Ang mga taong nasa likod ninyo ay bayani rin. Ang asawa ninyo na nag-alaga sa inyong mga anak, nagkukumpuni ng inyong tirahan, pinagkakasya ang pera, nagtatrabaho or umiekstra pa, ay may kontribusyon din sa inyong buhay. Irecognize po ninyo mga OFW, na kahit papaano ay hindi ninyo magagawang maglayag sa ibang bansa kung walang suporta sa kanila. It takes two to tango, ika nga! Sorry ha sa aking mga ka-tsong na OFW, bato bato sa langit…ang tamaan ay wag sanang magdamdam. Pag-isipan nyo po ito ho!
Okidoki, lets hear it from the man behind the OFW in Israel Foundation, Mr Edgar Aragones. Enjoy!
OFW On Air Podcast with Kuya Tsong | Overseas Filipino Workers (OFW) Community
A weekly podcast that showcases the journey of an authentic Overseas Filipino Worker (OFW) to educate, guide and inspire fellow Filipinos (kababayans) who are thinking, planning and pursuing to work abroad. The show is hosted by Kuya Tsong who believes in the quote that say "We rise by helping others".