
OFW on AIR Episode 021 : I Love You Anak, Goodbye! / Chat with Venus Vicente
- 1:17:13
- February 29th 2016
Welcome to our OFW on AIR podcast, isang internet program na kung saan ang bida ay ang mga OFWs, para sa mga kapwa OFWs, sa kanilang pamilya at para sa mga kababayan natin na gustong maging isang OFW. Hindi po biro ang maging OFW at sa pamamagitan ng ating palatuntunang ito, ay malalaman natin kung bakit. Ako nga pala ang inyong Kuya Tsong, na nangungusap at bumabati sa inyo ng isang magandang araw. Thanks for sticking me into your ears, isa pong karangalan sa akin ang mapakinggan at makapag bigay serbisyo lalong lalo na sa ating mga ka-tsong na ang hanap ay impormasyon at mga gabay na galing mismo sa bibig ng ating mga bagong bayani – ang mga OFWs sa buong mundo!
Hindi pwedeng matapos ang buwan ng Pebrero nang hindi natin napapag-usapan ang …”Pag-ibig”. At kapag pag-ibig ang topic, syempre, pumapasok sa akin ang sikat na punchline ni Gat Francisco Balagtas sa kanyang klasik na Epic na “Florante at Laura” at it goes like this….
O Pag-ibig na makapangyarihan,
pag ikaw ay nasok sa puso ninuman,
hahamakin ang lahat,
masunod ka lamang.
Naalala ko tuloy ang kabataan ko na kung saan narinig ko ang kanto boy version nito.
Pagsintang nilalangit,
Nilalangaw pati puwit!
Oh sa ganda mo’y ako’y samba,
Sa utot mo’y ako’y tumba!
Di ko malimutan ito kasi, kasama rin ako sa mga kanto boys eh, hehe…Pasensya na sa pagpapatawa, kasi naman napaka-sensitibo na paksa itong pag-ibig lalo na sa konteksto ng mga ka-tsong natin na OFWs. Kung susuriin natin ito ng maigi, nakakalito, nakakaloko at kung minsan nga ay parang may mali ang ating nakikita sa ating lipunan. Papano ba maiintindihan ng isang anak o kabataan na mahal na mahal sila ng Nanay o Tatay kaya wala sila sa tabi nila, nasa abroad at nagtratrabaho? Kung makakakita sila ng isang pamilyang buo sa park o sa mall, di ba nila ihahambing ang closeness ng pamilyang ito sa kanya na siya lang ang mag-isa sa bahay kasama ang lola or tita? This reminded me of the interview of His Holiness Cardinal Luis Tagle last 2014. Di ko malimutan ito, kasi ang ganda ng kanya pagpapaliwanag sa nangyayari sa ibang pamilya sa ating bayan. Ang sabi niya ay ang ilan sa ating mga pamilya ay nagkakawatak watak, hindi dahil galit sa isa’t-isa, hindi dahil sa hindi nila gusto ang isa’t-isa, hindi dahil sa hindi na sila nag-uusap-usap, kung hindi dahil sa mahal na mahal nila ang isa’t isa kaya tinitiis ang pagwalay sa piling ng mahal sa buhay. Ang sakit!
Masakit tanggapin ang sinabi ng cardinal pero yan ang realidad. Idinugtong pa niya na dahil sa sobrang kahirapan, tanggap na ng iba sa atin na ang pag-lisan sa mahal sa buhay ang isa sa pinakamabisang paraan ng expression ng pag-ibig sa pamilya, sa anak. Ang airport nga raw, na dati ay masayang tagpuan ngayon ay ‘traumatic place to be’ gawa ng makikita ninyo rito ang kalungkutan na kung saan humahakbang ang Ina na lumuluha habang kumakaway ang asawa at anak na luhaan rin.
So, may mag-que-question pa ba, bakit tinawag na bagong bayani ang mga OFWs? Ang laki ng sakrispiyo at puhunan, di ba?
Sa mga interessado, ito po ang video interview ng Cardinal tungkol sa pamilyang Pilipino nuon 2014 ->https://www.facebook.com/CatholicNewsService/videos/10152326617155723/
Well, folks, we started with a poem, a joke and now the mood is very serious. Kaya para maiba ang mood, change topic tayo. Pakinggan ang ating ka-tsong na nagsimulang manilbihan sa HongKong at nang nakapag-ipon ay bumalik sa Pilipinas at nagnegosyo ng ukay-ukay! Hmmm, which brings fun memory for me. Anyway, narito po ang ating kaibigan na si Venus Vicente, na ngayon ay caregiver sa Israel. Enjoy!
OFW On Air Podcast with Kuya Tsong | Overseas Filipino Workers (OFW) Community
A weekly podcast that showcases the journey of an authentic Overseas Filipino Worker (OFW) to educate, guide and inspire fellow Filipinos (kababayans) who are thinking, planning and pursuing to work abroad. The show is hosted by Kuya Tsong who believes in the quote that say "We rise by helping others".