
OFW on Air Episode 039: Ikaw ba si Mr Magtanong? / Chat with Marlyn Flores
- 1:30:01
- July 4th 2016
Kumusta kayo mga minamahal kong taga pakinig. Medyo pormal tayo ngayon kasi kakapanood ko lang ng inauguration ceremony ng ating ika-16 na Pangulo ng Pilipinas na si President Rodrigo Roa Duterte. Tayo ngayon ay nasa bagong kabanata ng ating kasaysayan. At alam ninyo, sa halos anim (6) na ulit na nagpasalin-salin ang pamumuno sa gobyerno, wala pa naman tayong problema pagdating sa simula. Magmula kay Pres. Cory, Ramos, Erap, Gloria, Pinoy at ngayon sa ating bagong Pres. Duterte, laging ganado at masigla ang simula. Ang tanong ay will it be a happy ending. Sa isang karera, mas mahalaga kung papano mo tapusin ang gawain kaysa simula. I love the way the new President set aside his prepared speech… Nandito raw siya sa harap natin, upang masimulan na ang trabaho! We are of to a good start, and may the blessing of the God and the people of the Republic of the Philippines be upon your journey.
Alam kong nagbanggit ako last episode na hindi na muna ako magkokomento dahil sa may project po akong ginagawa ngayon. Ito ay nangangailangan ng aking atensyon kaya di ko po patatagalin ang ating huntahan. Nais ko lang sabihin sa inyo ang ating guest for today ay kahanga-hanga. Di ba marami sa atin na laging sinisisi ang kahirapan sa buhay kaya’t di nakapag-aral. Kahit Grade 6 lang ang inabot ni Marlyn Flores sobrang galing pa rin niya sa pag-diskarte sa buhay at she can communicate in English! Kaya wala talagang excuse na tayo ay matuto rin na katulad niya. Ang sikreto….kakulitan sa pagtatanong! So without further ado, narito po si Marlyn Flores, isang proud OFW na dating nagtrabaho sa Oman, Kuwait at ngayon ay nasa Dubai, UAE. Enjoy!
OFW On Air Podcast with Kuya Tsong | Overseas Filipino Workers (OFW) Community
A weekly podcast that showcases the journey of an authentic Overseas Filipino Worker (OFW) to educate, guide and inspire fellow Filipinos (kababayans) who are thinking, planning and pursuing to work abroad. The show is hosted by Kuya Tsong who believes in the quote that say "We rise by helping others".