
OFW on Air Episode 042: Born Winner! / Chat with Hazel Mararac
- 1:36:31
- July 25th 2016
Hey hey hey, kumusta na mga ka-tsong at tsang. Teka-teka, naalala ko tuloy yung joke noon, bata pa si Sabel…mga 80’s, na kung saan ay nauso yun pag translate ng English sa Japenese o Chinese. Dun sa bata ngayon at yun nakalimot na….the joke goes like this…ano sa intsik ang “This song is dedicated to your Uncle and Auntie”…Tong kantang tong para ke Tsong at Tsang! Corny hehe, well, pinapagaan ko lamang po ang inyong mabigat na kalooban.
So how are you folks? Siguro lugmo na rin kayo sa kaliwa’t kanan na masasamang nasasagap ninyo sa dyaryo o sa radyo o internet. Mayroon dyan yung, inararo ng bus ang maraming civilian sa Nice, France, mayoon ding insidente ng pamamril sa US, di lang sa mga civilian pati sa mga kapulisan dun ay ginagantihan na rin. Dati, magana akong nanonood ng TV Patrol pero ngayon, tinigil ko na po. Nadidismaya ako sa dami ng patayan sa atin…20 minutes akong nanonood at wala pa rin tigil ang balita tungkol sa mga napapatay na holdaper at drug pushers.
Kaya para baligtarin na ang nakakahaba ng mukha na masasamang balita, lets look at the other side. Alam niyo ba na lahat tayo ay isinilang na winner. Opo, kayo na may problema ngayon sa inyong love life, kayo na kinukulit ng mga kamag-anak sa Pinas na dagdagan ang padala, opo kayo na nalulungkot sa dahilang nami-miss ang mga kinagawian dati sa Pinas, kayo na di makatulog sa gabi sa kakaisip kung saan patungo ang buhay….wag nyong isipin na talunan kayo. Kung sakali man na talagang hirap ang kalagayan mo ngayon, isipin mo lang na pansamantala lang ito. Tayo ay nilikha ng Diyos na kawangis niya at kaya mula pa sa pagkasilang winner na po tayo. Imagine, ninyo na sa libu-libo na semilya ang kumawala, ang semilya niyo ang nabuong baby at naging kayo…o di ba born winner!
Sa totoo lang, kuna ating susuriin na maigi, iisa lang naman ang sinasabi o tinatanong ng panalo at talunan. Pag may problem, magmumukmok ang mga talunan ang ugali, at magsasabing….Diyos ko, ano na naman ito? Sa dinami rami naman ng tao sa mundo e sa akin pa nangyari. Bakit ako pa? Ano na ang magagawa ko? Hirap na ako Lord, ang mga anak ko ay maliliit pa at ang asawa ko di ko maaasahan, at mahaba pang complain yan.
Balingan naman natin ng pansin kung ano ang monologue ng isang positibong tao sa malaking problema, at ito ang sabi niya…Diyos ko, ano na naman ito? Sa dinami dami ng tao sa mundo, alam kong mayroon kang mensahe sa akin. Kaya, kakayanin ko ito. Ako pa? Ano nga ba ang magagawa ko? Ngunit sa tulong po ninyo, makakaraos din ako at malalampasan ko rin ang pagsubok na ito. Hirap na ako Lord, ang mga anak ko ay maliliit pa at ang asawa ko di ko maasahan, pero susubukan ko na kausapin sila at makahingi ng pag-iintindi nila.
Kung mapapansin ninyo, halos pare-pareho lang naman ang mga tanong at hinagpis ng tao na winner at loser di ba? Nagkakatalo lang sila sa attitude, sa pagtanggap at pagproseso ng problema. Ang problema po ay lumalaki dahil pinapalala ito ng ating isipan. Ang problema ay nagiging isang pagkakataon kung bukas ang isipan sa katotohanan na walang problema na hindi kayang lutasin. Ang sikreto ay ang inyong isip, turuan natin ang ating utak na baguhin ang ating pananaw sa buhay at tiyak na mababago rin ang iyong buhay. Pagyamanin natin ang ating isipan ng mga kaalaman at turuan ito na maging positibo. Subukan ninyo ito para hindi laging lubog sa lungkot at kabiguan ng buhay.
Gaya ng susunod nating makakapiliing sa interview portion. Di lamang maganda sa pisikal, kundi maganda rin ang kanyang mental attitude. So let’s all welcome to OFW on AIR, ms beauty and brain ng Israel, Ms Hazel Mararac. Enjoy!
OFW On Air Podcast with Kuya Tsong | Overseas Filipino Workers (OFW) Community
A weekly podcast that showcases the journey of an authentic Overseas Filipino Worker (OFW) to educate, guide and inspire fellow Filipinos (kababayans) who are thinking, planning and pursuing to work abroad. The show is hosted by Kuya Tsong who believes in the quote that say "We rise by helping others".