OFW on Air Episode 053: Bagong Taon, Bagong Pagkakataon | Chat with Joel Talde Badulis artwork
OFW On Air Podcast with Kuya Tsong | Overseas Filipino Workers (OFW) Community

OFW on Air Episode 053: Bagong Taon, Bagong Pagkakataon | Chat with Joel Talde Badulis

  • 1:52:21
  • January 23rd 2017

Hey hey hey, kumusta na po kayo? Kumusta na ang mga libu-libo nating mga ka-tsong na OFWs mula Silangan, Kanluran, Ttimog at Hilaga.  How are you folks?  Welcome to year 2017 and welcome to our first podcast show for the year! Wow, I am so excited na muling makipag-usap sa inyo.  At hayaan ninyo ang inyong Kuya Tsong na simulan ang ating bagong taon sa isang pasasalamat sa Diyos na lumikha at sa inyo mga tagapakinig sa napakasuccessful na podcast na OFW on AIR Podcast with Kuya Tsong.  Mula sa inyong OFW on AIR family…tanggapin ninyo ang taos pusong pasasalamat sa pagkakataon na nalapit sa inyo at mapakinggan dikit sa inyong tenga ang mga kwento ng ating mga kaibigan na OFWs kasama na ang mga kwentong barbero ni Kuya Tsong.  So from the bottom of my heart….thank you and welcome to our season 2 of OFW on AIR Podcast with Kuya Tsong.

 At sa pagpapatuloy ng ating Podcast ngayong taon, mayroon na po tayong mga nakahain na interview bago pa magsimula ang Bagong Taon.  Mayroon tayong mga OFWs mula sa ating suki na lugar na Gitnang Silangan, mayroon din naman mula sa mga piling lugar dyan sa Asian region.  At bago tayo magkalimutan, wag po kayong bibitaw hanggang sa dulo ng ating Podcast na ito.  Aking i-aannounce ang pagbabago ng format ng ating Po dcast sa taong ito.  At bilang buena mano para sa taong ito, ating bubuksan ang unang kabanata with a very exciting guest from South Korea.  Naku po, sikat po ang ating guest na ito.  In fact, he has been interviewed on several occasions sa mga radyo at telebisyon dahil di lamang sa husay nyang magpaliwanag, very modern and good looking po ang ating panauhin.  I think, nahawa na rin siya sa kultura ng South Korea kaya K-pop na k-pop ang dating ng ating ka-tsong na panauhin.  Ang sarap-sarap pong kausap ng ating guest at umabot yata ng mahigit dalawang oras kaming nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay.  Bata pa ang ating guest (o well bata sa edad kung ikukumpara ninyo ito sa inyong abang lingkod) ngunit marami na pong pinagdaanan sa buhay.  Kaya kung kayo ay nagbabalak na maging OFW, wag muna kayong magpapasya hangga’t hindi ninyo napapakinggan ng buo ang episode.  At kung kayo naman, ay isang kaanak ng isang OFW, hindi ninyo panghihinayangan na ubusin ang oras ninyo sa episode na ito dahil makukumpleto ninyo ang larawan ng isang tunay na OFW.  Hindi araw-araw ay pasko sa mga nagtratrabaho sa labas, kaya matuto kayong pahalagahan ang mga padala at bilin ng inyong Tatay o nanay na OFW. 

Bueno, di ko na po patatagalin pa ang ating special na interview with the editor ng  Sulyap Pinoy - sa South Korea. I would like to welcome as our first OFW guest in 2017, Mr Joel Talde Badulis, isang OFW extraordinaire mula sa Land of the Morning Calm ...South Korea.  Enjoy!

OFW On Air Podcast with Kuya Tsong | Overseas Filipino Workers (OFW) Community

A weekly podcast that showcases the journey of an authentic Overseas Filipino Worker (OFW) to educate, guide and inspire fellow Filipinos (kababayans) who are thinking, planning and pursuing to work abroad. The show is hosted by Kuya Tsong who believes in the quote that say "We rise by helping others".