
OFW on Air Episode 060: Ang Kahalagahan ng pamilya ng mga OFWs | Chat with Jocelyn Rabe
- 1:22:40
- August 21st 2017
Hello mga ka-tsong! How are you? How life treating you? Kumusta na ang buhay buhay? Well, salamat sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ating very inspiring show na OFW on AIR Podcast. Nakakatuwa pong makatanggap ng email o PM sa facebook na nagsasabi na inspirational daw po ang ating podcast show dahil mas lumiliwanag daw ang kanilang isipan tungkol sa pagtratrabaho sa abroad. Wala po yatang papalit sa kasiyahan na nadarama ko sa tuwing ako ay nakakakatanggap ng ganitong mga messages. So if you want to make my day… mag-iwan lamang po kayo ng comment sa ating website, dito sa www.ofwonair.com at tiyak na makakarating ito sa aking kaalaman.
So welcome po muli sa ating virtual kapihan, at ako ang inyong Kuya Tsong na nagpodcast mula sa napakagandang siyudad, ng Edmonton, Alberta, Canada. Sa ating episode na ito, nais kong magbigay puri sa aking dalawa anak na si Kenji at Kamei dahil naabot na po nila ang ika 50th episode ng OFWonAIR Cooltips. Opo, naka 50 na blog articles na pala ang dalawang ito. Di nyo naitatanong, kasama ko po sa OFW on AIR advocacy ang aking pamilya. Kaya nga siguro ganito katatag ang ating advocasia dahil di lang si Kuya Tsong ang naniniwala sa kakanyahan at kabayanihan ng mga OFWs, kundi pati na rin ang aking pamilya. Si Kenji po ang writer ng mga Cooltips at si Kamei ang kanyang graphic artist. Marami na pong naiambag ang dalawang ito sa pagbibigay ng mga gabay at information para sa ating mga OFWs at OFW aspirants. At para nga po sa ika 50 episode na ito, ang ating cooltips ay hindi po para sa mga OFWs o OFW aspirants, ito ay para sa mga pamilya na naiwan sa Pinas. Opo, kayo na laging nasasabik na makatanggap ng balikbayan box, kayo na pag hindi napadalhan ng remittance ay panay ang text sa OFW na tatay o nanay at kung napadalhan naman na ay, bigla na lang tumatahimik ang facebook messenger at nalimutan na ang nagpadala na OFW.. Opo, kayo na dahil nasa Saudi ang tatay o nanay ay naglalakwatsa at nag dodota na lang sa internet café. Of course kasama rin naman yung mga mababait na pamilya ng OFW na dahil wala sa piling ng tatay o nanay ay pinipilit na itayo ang sarili upang mabuhay ng marangal. Alam nyo mahalaga ang participation ng mga pamilya na naiwan sa abroad upang maging maayos at matiwasay ang kalalagyan na mga ka-tsong na OFWs. Hirap para sa mga OFWs ang magtrabaho sa abroad dahil, una ay iniisip nila ang kanilang buhay sa abroad at pagsapit gabi naman ay inaalala naman nila ang mga mahal sa buhay sa Pinas. Kaya laging apektado ang isip at damdamin ng mga OFW sa galaw sa Pilipnas, kaya kung ako sa inyo, please read our cooltips 50 at ishare ninyo ito sa inyong mga kasama at pamilya para sa ganun ay maintindihan din nila ang dapat nilang gawin.
Bueno, ito rin po ang isa sa napag-usapan namin ng ating ka-tsong na OFW sa kingdom of saudi arabia. Si Jocelyn Rabe ay isang maipagmamalaki natin na OFW dahil sa kanyang determinasyon at husay sa pagturing ng kanyang employer. Dalagang taga Maguindano po si Jocelyn, panganay na pinag-iwanan ang huling salita ng kanyang yumaong ama. Naku, buti pa ay makinig na lang kayo sa very informative, inspirational and aspirational episode with Jocelyn Rabe. Enjoy!
OFW On Air Podcast with Kuya Tsong | Overseas Filipino Workers (OFW) Community
A weekly podcast that showcases the journey of an authentic Overseas Filipino Worker (OFW) to educate, guide and inspire fellow Filipinos (kababayans) who are thinking, planning and pursuing to work abroad. The show is hosted by Kuya Tsong who believes in the quote that say "We rise by helping others".