
OFW on AIR Episode 31: Ugali na Kailangan / Chat with Zaideh Terwel
- 1:17:30
- May 9th 2016
Ano ang isang bagay na mahirap at matagal na makuha, pero kapag nawala ito, mahirap makuhang muli?
At sa tanong na yan, nais kong buksan ang ating, OFW on AIR Podcast show. Welcome po sa mga ka-tsong natin from the entire universe. Alam nyo naman, na kahit siguro saan sulok ng mundo…ay may Pinoy. Kung may spaceship lang siguro sa planetang mars, at mura lang ang placement fee, di na ako magtataka na dadayuhin rin ng ating mga ka-tsokaran ang planetang yan. Lalo na siguro kung may internet connection at may facebook, naku…walang duda, iba ang Pinoy! Ako nga pala, ang inyong Kuya Tsong, isang Pinoy na nasa Canada na bumabati sa inyo ng magandang morning, afternoon at evening. At kung hindi maganda ang araw ninyo, well, kalimutan na muna ang problema sa loob ng mahigit isang oras, dahil eto na po ang show ng mga OFWs, na inaabangan ng maraming OFWs at higit sa lahat ng mga aspiring o nagbabalak na maging OFWs.
So, ano nga ba itong bagay na ito na mahirap at matagal makuha, ngunit pagnakuha at hindi mo inalagaan, saglit lang ay mawawala na at mahirap na makuha muli? Pera ba ka mo? Well, in some ways parang pera…dahil mahirap yata ang kumita…Ilang oras kang magtratrabaho, minsan napapagalitan at ang dating ng sweldo ay kinsenas or buwanan lang. At kapag nakuha naman ay sa pambayad ng upa sa bahay, sa kuryente, sa load, sa tubig at iba pa…isang sandali lang wala na. Pero magtrabaho ka lang muli, magkakaroon ka ulit ng pera.
So ano nga ba itong bagay na ito na mahirap makuha ngunit kapag nawala ay mahirap na makuha muli. Ang aking tinutukoy dito ay ang salitang Tiwala o Trust. Ang bawat relationship ay nagsisimula sa wala…walang tiwala…ngunit sa pagdaan ng panahon, ang tiwala na ito ay dapat na lumago at umusbong. Para sa karamihan ng ating mga ka-tsong na OFWs, ang pakiwari nila ay basta masipag lang sila, ayos na ito bilang isang manggagawa sa ibang bansa. Hindi po masama ang stratehiyang ito lalo na kung kayo ay factory worker na per piece ang basehan ng sweldo. Ngunit hindi sa lahat ng bagay ay nakukuha sa sipag at tiwaga. Kailangan ay makuha mo ang tiwala ng iyong amo. 'Wag lang sipag ang gamitin, kailangan din ng diskarte upang makuha mo ang tiwala ng iyong bosing. Pag-aralan mo ang galaw ng iyong boss, kung ano ang gusto at ayaw niya upang mapalapit ang loob niya sa yo. Syempre dapat ay nasa tamang konteksto kayo sa inyong mga galaw dahil baka iba ang dating sa kanila. Trust is the foundation in any relationship, sa personal na buhay man o sa trabaho. Habang ikaw ay nagtatrabaho, you are in a employer-employee relationship kaya mahalaga na ma-establish nyo na kayo ay isang taong mapagkakatiwalaan.
Ang ating guest for this episode ay isang mother na ngayon ay nasa Amman, Jordan. Pakinggan ninyo ang kanyang salaysay na kung saan ay sinusubukan sya ng amo upang malaman kung sya ba ay mapagkakatiwalaan. Narito po si Zaideh Terwel sa kanya kwento ng buhay OFW. Enjoy!
OFW On Air Podcast with Kuya Tsong | Overseas Filipino Workers (OFW) Community
A weekly podcast that showcases the journey of an authentic Overseas Filipino Worker (OFW) to educate, guide and inspire fellow Filipinos (kababayans) who are thinking, planning and pursuing to work abroad. The show is hosted by Kuya Tsong who believes in the quote that say "We rise by helping others".